^

PSN Opinyon

Sagot sa dental problems

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Retired government employee si Fred Martin. Malusog siya sapagkat alaga ang katawan sa wastong nutrisyon at exercise. Pero may problema siya sa kanyang mga ngipin.

Dahil abala siya noon sa paghahanapbuhay kaya napabayaan niya ang kanyang dental care. Dahil sa sobrang sakit ng kanyang mga ngipin kaya nagpasya siyang ipabunot lahat na nagresulta naman sa unti-unting pagnipis ng kanyang gilagid at paghumpak ng mukha. Dahil diyan nagmukha siyang matanda. Kahit 60 years old lang, nagmukha siyang 80 anyos. Problema rin niya ang kanyang pustiso na malimit palitan dahil lumuluwag at nahuhulog sa tuwing siya’y nagsasalita at kumakain.

Ipinaliwanag ng leading orthodontist, Dr. Noel Velasco, kilala bilang si ‘‘Dr. Novel,’’ na dahil sa multiple extraction kaya mas matandang tingnan si Mang Fred at ang tanging remedyo ay ang gum-bone-tooth implant.

Naobserbahan ko ang pagto-tooth implant ni Dr. Novel kay Mang Fred. Katulong niya ang mga assistants niyang dentista na sina Dr. Jennifer Jimenez, Dr. Jewel Cruz at Dr. Hibel Talindong.

Sinabi ni Mang Fred matapos ang tooth implant, hindi siya nasaktan. Balewala lang ang mabilis na tooth implant.

Makokontak si Dr. Novel sa 913-4917 at 0917-8542274. Sa mga taga-Angeles, Pampanga magsadya kayo sa Stall 58 Bayanihan Park, Clarkfield, Pampanga, tel. 045-8920952.

vuukle comment

BAYANIHAN PARK

DAHIL

DR. HIBEL TALINDONG

DR. JENNIFER JIMENEZ

DR. JEWEL CRUZ

DR. NOEL VELASCO

DR. NOVEL

FRED MARTIN

MANG FRED

PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with