^

PSN Opinyon

Food chain magnate may P1-M indecent proposal sa isang bank teller

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang may P1-million indecent proposal ang isang kilalang businessman para lamang mapabagsak ang Bataan ng isang maganda at mestisang bank employee?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Rep. Jayjay Romualdo ng Camiguin; Val Victa ng MBC; Eduardo Singchongco III; Col. James Brilliantes ng CPD; Miko Papa-Canosa; dating Rep. Rico Fajardo at dating Rep. Jose Mari Gonzales ng Mandaluyong City.
* * *
Alam n’yo bang kakaiba pa lang lumigaw ang isang mayamang businessman?

Ayon sa aking bubuwit, kapag natipuhan ng naturang negosyante ang isang babae ay talagang namumuhunan ito ng malaking halaga.

Gumagastos ng limpak-limpak na salapi mapaibig lamang ang chiching.

Kaya lang, sa edad ng nasabing businessman ay maaaring hindi na rin mapapaibig sa kanya ang isang babae maliban na lamang sa kanyang salapi.

Hindi naman guwapo pero hindi naman pangit si Mr. Businessman, kundi medyo may edad na nga lang.

Ayon sa aking bubuwit, nakilala ng food chain magnate ang nasabing bank employee dahil nagsa-sideline ang chiching sa insurance.

Sa kahahanap nito ng kliyente ay may nag-refer sa kanya sa naturang businessman.

Ayon sa aking bubuwit, nang makita ni Tsinoy businessman ang bank employee ay nagka-crush kaagad.

Pero, siyempre hindi kaagad ipinahalata at hindi rin kaagad kumuha ng insurance policy sa chiching.

Medyo nagpakipot muna ng konti ang negosyante kaya halos inaraw-araw naman ng bank employee ang pag-follow up sa kanyang offer.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, upang hindi naman mahalata na liligaw ang Tsinoy businessman sa chiching, inimbitahan muna niya ito at ang kanyang mga kaibigan na kumain sa labas para nga naman hindi disimulado.

Pero sa totoo lang ay gigil na pala si Tsinoy Businessman sa chiching dahil talagang maganda. Mestisahin at talagang mas maganda pa sa ibang mga artista diyan.

Siya ay isang Chinese mestiza, medyo mahaba ang buhok at mga 5’5’’ ang height.

Ayon sa aking bubuwit, kapag nakita mo ang chiching sisikip ang iyong pantalon.

Kaya pala matindi ang indecent proposal sa kanya ng food-chain magnate.

Isang milyong piso mapabagsak lamang ang Bataan.

Ayon sa aking bubuwit, ang food-chain magnate na nag-alok ng P1-milyon makapiling lamang ang magandang bank employee ay si…

Naku, wala na pala akong espasyo… sa susunod na labas na lang.

vuukle comment

AKING

AYON

BUBUWIT

BUSINESSMAN

EDUARDO SINGCHONGCO

ISANG

JAMES BRILLIANTES

JAYJAY ROMUALDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with