^

Mag-ingat sa pagbili ng titulo ng lupa…

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo () - July 22, 2005 - 12:00am
PINAG-IINGAT namin ang lahat kay P/Insp. Rodney Baloyo at sa anumang transaksyong kanyang ginagawa na may kinalaman sa lupa.

Ilang reklamo ang natanggap ng BITAG mula sa ilang negosyante mula sa Pampanga ukol sa panloloko ng taong ito.

Estilo raw ni P/Insp. Baloyo na manghiram ng titulo ng lupa upang gamiting reference sa pagpapasukat kuno ng lupaing kanyang pag-aari.

Oras na makahiram ito ng mahahalagang dokumento mula sa mga pobreng biktimang nagtiwala sa kanya, dito naisasagawa ang kanyang modus.

Kasabwat ang isang Atty. Enrique Basa ng Registry of Deeds ng Pampanga, nagagawa nilang mailipat sa pangalan ni Baloyo ang mga titulo ng lupa.

Ibinibenta ni Baloyo ang mga titulong ito sa ilang inosenteng negosyante at balikbayan sa Pampanga. Matapos maibenta, magmamagandang loob ang huli na ipapaayos "kuno" ang mga papeles. Pero sa halip, muli itong maghahanap ng inosenteng buyer na bibili ng titulong nauna na niyang naibenta.

Paulit-ulit ang ganitong bulok na estilo ni P/Insp. Baloyo hangga’t mayroon siyang naloloko.

Nakatanggap din ng impormasyon ang BITAG na isinasanla na ni Baloyo ang ilan sa mga naitakbo niyang papeles sa Baguio.

Kaya’t dobleng pag-iingat ang ipinapayo namin sa lahat lalo na mga broker at ilang naghahanap ng lupa.

Bogus at peke ang mga papeles na pinanghahawakan at ibinibenta ni P/Insp. Rodney Baloyo. Maging mapanuri ng hindi mapabilang sa mahabang listahan ng mga naloko ni Baloyo.
* * *
Hotline numbers, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Panoorin Bahala si Tulfo, 9:00-10:30 a.m. UNTV, 9:00-10:00 a.m. DZME 1530 kHz.

BALOYO ENRIQUE BASA ESTILO IBINIBENTA PAMPANGA PANOORIN BAHALA REGISTRY OF DEEDS RODNEY BALOYO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with