^

PSN Opinyon

TV host hindi regular ang sustento sa anak niya sa isang estudyante

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang hindi nagbibigay ng regular na sustento ang isang TV host sa anak niya sa isang estudyante?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Vice President Noli de Castro, dating Press Usec. Ching Suva, Pinky Sinfuego, Julienne Ejercito, Virgilio ‘‘Garci’’  Gonzales, Arlene Marcos, Dr. Ester Alunan ng Bacolod City at Vice-Mayor Juliet Fiel ng Looc, Romblon.
* * *
Alam n’yo bang may nabuntis na estudyante ang isang sikat na TV host at nanganak na?

At alam n’yo rin bang hindi regular ang pagbibigay niya ng alimony sa kanyang anak?

Ayon sa aking bubuwit, ang nabuntis at naanakan ng TV host ay MassCom student sa University of Sto. Tomas. Sila ay nagkaroon ng love affair ng anim na buwan.

Kaya lang, kahit binata si TV host, hindi niya pinananagutan ang pagkakabuntis sa siyotang estudyante. Nangako naman siyang susuportahan ang baby subalit ang financial support ay napakadalang.

Ayon sa aking bubuwit, hindi pinanagutan ng TV host ang estudyante dahil baka masira ang kanyang career. Mahal na mahal niya ang career kaya inilihim din nito ang pagkakaroon ng anak sa estudyante.

Nangako na lamang na susuportahan ang bata subalit ang malungkot na parte rito, bihirang magbigay ng sustento. Malaki naman kung magbigay si TV host. Nagbibigay ng sustentong P20,000 kaya lang ay napakadalang.

At dahil umaasa lamang sa magulang ang estudyante, nauubusan ng gatas ang kanyang anak.

Ipinaalala ko kay TV host na ang gatas ng kanyang anak sa estudyante ay ‘‘GAIN.’’ Sa laki ng talent fee niya ay barya lang sa kanya ang isang carton ng gatas na GAIN.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang pangalan ng anak ng TV host sa estudyante ay Paula.

At dahil bihira ang sustento ni TV host sa kanyang anak at dahil wala namang trabaho ang nabuntis na estudyante nagbebenta siya ngayon ng short time na aliw para may pambili ng gatas para sa baby. Kawawa naman.

Ayon sa aking bubuwit, ang estudyanteng nabuntis at naanakan ng TV host ay mestisahin, may taas na 5’6 at hanggang balikat ang buhok. Dati siyang model ng isang shampoo. Itago ko na lang sa pangalang Ms. Sheryl.

At ang TV host na bihirang magbigay ng sustento sa kanyang anak na si Paula ay si…

Siya pala ay isang Ilocano kaya pala ‘‘nakirmet’’ na katulad ko. Siya ay miyembro ng Ka-puso.

Naku, wala kang puso sa iyong anak!

Siya ay walang iba kundi si TV host B. as in Babyflo.

vuukle comment

ANAK

ARLENE MARCOS

AYON

BACOLOD CITY

CHING SUVA

DR. ESTER ALUNAN

ESTUDYANTE

HOST

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with