^

PSN Opinyon

Benson Chua, kathang isip lang!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NABULABOG ang mga Immigration officers sa NAIA porke natakot sila masibak nang pasabugin ni DOJ Secretary Raul Gonzales ang isyu tungkol sa paglabas ni Benson Chua, ang inaakusahang isa sa mga notorious drug lord sa Pinas.

Ikot ang tumbong ng taga-Immigration nang i-broadcast ni Raul sa national television at radio ang isyu regarding kay Benson.

Binakbakan kasi ni Raul ang Immigration dahil tatlong beses na palang nakalabas sa Pinas si Benson kahit na may hold departure order toits.

Ang problema, dehins nag-a-apply sa Korte si Benson ng certification of not the same person. Kaya duda si Raul sa pagkatao ng umaalis na Benson.

From Cebu si Benson twice siyang nagpunta sa Tate nitong nakaraang mga buwan.

Sino ang nakikinabang kapag umaalis si Benson? Tanong ng mga urot.

Mukhang nagpabaya ang BI sa kanilang tungkulin sa pag-alis ni Benson.

Nabuwisit si Raul sa NAIA-Immigration kaya balak nitong i-rigodon sila.

Sagot ng NAIA-Immigration, dehins sila nagpabaya sa kanilang hotraba butas kasi ang HDO kasi walang nakasaad todits na date of birth, middle name o kahit litrato kaya paano nilang pipigilan ang salarin, este mali, si Benson pala. Sabi nga, mukhang putok sa buho si Benson Chua.

Malalim ang operasyon ni Benson Chua, ang inaakusahang drug lord sa Pinas noon pang dekada 80 pumutok ang name nito tungkol sa operasyon ng droga sa Cebu pero walang makapagsabi sa itsura ng tsekwa. During that time, ang Metrodiscom sa Cebu ay si Senator Ping Lacson.

Hindi rin malaman kung si Benson ay from Mainland, China o Taiwan o Pinoy dahil alaws itong record sa intel community at maging sa Central Office ng BI.

Kaya nagmamaktol ang mga NAIA-Immigration kay Raul.

Samantala, ang Benson Chua na sinasabing drug lord ay three times na palang nakakalabas ng Pinas kahit may HDO.

Bumabalik sa bansa ang inaakusahan kapag natapos ang negosyo nito sa aboard, este mali, abroad pala.

"Paano nakakalabas ng Pinas si Benson kung may HDO toits?" tanong ng kuwagong hitad.

"Wala ngang clearance ito mula sa Korte na nagsasabing dehins siya ang Benson Chua na ina-accuse regarding illegal drugs," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Abangan na lang natin kamote ang mga susunod na kabanata kasi may anim pa raw drug lords ang nakalabas kahit na may HDO rin."

vuukle comment

BENSON

BENSON CHUA

CEBU

CENTRAL OFFICE

FROM CEBU

KAYA

KORTE

RAUL

SECRETARY RAUL GONZALES

SENATOR PING LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with