^

PSN Opinyon

Edukasyon at disiplina

SAPOL - Jarius Bondoc -
GALIT na ang sanitation officers sa Paris. Tungkulin nila kasi panatilihing malinis ang kalsada’t bangketa, pero maraming may ugaling magkalat. Pinaka-inis sila sa mga dumudura ng chewing gum, na natatapak-tapakan at dumidikit sa aspalto o semento. Mano-mano itong ini-spatula at hino-hose ng mga trabahador. Kalahating oras ang nauubos kada gum; $2.8 milyon (P154 milyon ang nawawaldas sa tanggal-gum campaign nila taun-taon. Ang solusyon: Bagong disenyong basurahan sa kalye na may espesyal na duraan pang-chewing gum, para hindi nandidiri ang mga tao na gamitin; at isang special resin na lulusaw sa gum sa loob ng dalawang minuto.

Nakakainggit ang Paris, mayamang siyudad kaya puwedeng pag-abalahan ang kalinisan nang todo-todo. Ang Singapore, medyo mayaman din, pero sa inis ng gobyerno sa dinikit na chewing gum sa ilalim ng upuan sa sinehan, ipinagbawal ang paggawa at pagbenta ng gum – parang droga.

Sa Pilipinas nagkalat ang basura sa daan. Dahil kulang sa street sweepers, iniisip ng madla na walang may-pakialam. Kaya naeengganyong lalong magtapon lang ng kalat ang pedestrians at motorists. Dahil mahina ang pagpapatupad ng batas kontra smoke emissions, nangingitim ang mga gusali, at nagkakasakit ang mga tao. Tinatayang P15 bilyon taon-taon ang nagagasta sa gamot pang-ubo at lung disease, at 400,000 ang namamatay dahil sa air pollution. Wala naman tayong perang panlinis. Ang kailangan natin ay disiplina, at makukuha ito sa edukasyon.

Naalala ko tuloy ang eksena sa isang exclusive girl’s school, kung saan ang mga 12-anyos ay natutong mag-lipstick. Ang masama pa kamo, pagka-apply ng lipstick, ugali nilang halikan ang salamin sa banyo, kaya dumudumi. Tinawag ng principal ang mga dalagita sa banyo, at sinabing hirap na hirap na ang janitress sa paglilinis. Sabi niya dito, "Ipakita mo nga sa kanila kung gaano kahirap tanggalin ang bakas ng lipstick sa mirror." Sumunod ang janitress. Kumuha ng brush, nilublob sa tubig-inidoro, at saka iniskoba sa salamin. Natahimik ang mga dalagita. Hindi na sila muli humalik sa salamin matapos ang eksenang ‘yon. Na-eduka at nadisiplina.

vuukle comment

ANG SINGAPORE

DAHIL

GUM

IPAKITA

KALAHATING

KAYA

KUMUHA

NAALALA

SA PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with