Tagumpay si pro6 Dir. Tuaño sa loose firearms
KUNG pagkatutukan lamang pala ng mga kapulisan itong matagal ng problema sa mga loose firearms abay walang imposebleng magkakaroon ito nang magandang resulta sa hinaharap. Kasi nga mga suki, nitong nakalipas lamang na mga araw abay, isang damukal na iba’t ibang uri ng baril ang isinuko ng mga residente sa lalawigan ng Antique.
Mukhang nakombinse ni Police Regional Office 6 (PRO6) Director P/BGen. Randulf Tuaño ang mga Antiquenos na boluntaryong isuko ang mga tinatagong mga armas nito sa kanilang mga tahanan, hindi naman nabigo itong si Tuaño sa panawagan nito at sa masigasig na kampanya kontra loose firearms. Nito kasing araw ng Huwebes abay, 641 na iba’t ibang uri at kalibre ng mga baril ang boluntaryong isinuko ng mga resodente sa mga kapuisan diyan sa may Antique. Hehehe! Bakit nga naman sila magtatago pa ng kanilang armas gayong halos hindi na natutulog itong si PRO6 Dir. Tuaño sa pagsasagawa ng operasyon kontra illegal firearms at paghahabol sa mga Wanted Person sa lahat ng sulok ng western Visayas Region.
Ang matinde rito, pinaiiral ni Tuaño ang matiwasay na pagsasakote kung kaya’t halos walang dinanak na dugo ang mga operasyon ng mga kapulisan. Kung sabagay, hindi na matatawaran itong mga accomplishment ni PRO6 Dir. Tuaño buong Western Visayas dahil kitang-kita naman ng mga Ilonggo na nagtamasa ng pagkilala itong PRO6 sa kampanya nito sa mga Most Wanted Persons at pagkasamsam at pagsu-surrender ng mga armas. At
- Latest




















