^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Madudurog pa ba ang Abu Sayyaf?

-
MARAMING pinagkakaabalahan ang military sa kasalukuyan. Mula nang kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang Oakwood Hotel sa Makati, naka-alerto ang military upang hadlangan ang nababalita pang kudeta. Sa pagiging abala ng military sa pagbabantay sa mga kapwa sundalong magkukudeta, napapabayaan naman ang pagtugis sa iba pang kaaway ng lipunan. Isa ang mga teroristang Abu Sayyaf na hindi makayang durugin ng military. Kakatwang sa military din nanggaling na kakaunti na lamang ang mga teroristang ito at watak-watak na pero bakit hindi nila madurog.

Isang patunay na hindi na ganap ang pagtugis ng military sa mga terorista at walang maipakitang katibayan na kaya nila, ay ang sunud-sunod na pagkakatakas ng mga babaing hostages ng Abu Sayyaf. Noong Abril ng kasalukuyang taon, nakatakas ang dalawang babaing bihag at makalipas ang isang buwan, nakatakas din ang dalawa pang babae. Ang mga hostages ay mga miyembro ng Jehovah’s Witnesses. May isang taong naging bihag ang mga babae bago nagawang nakatakas sa mga mamamatay-taong Abu Sayyaf.

Walang nagawa ang military kundi hintayin ang pagtakas ng mga kawawang babae. Kung hindi pa gumawa ng paraan ang apat baka nasa kamay pa sila ng mga mamamatay-tao. Walang awa kahit sa mga babae ang Abu Sayyaf. Tinatapyasan nila ng suso saka pinapatay ang mga babae.

Kamakalawa, isang babae na namang hostage ang nakatakas sa Abu Sayyaf. Walang nagawa ang military kundi salubungin si Gertrudes Tan, 50, makaraang makatakas. Nilansi ni Tan ang kanyang mga captors at nagawang makatalilis. Sa pamamagitan ng isang maliit na plastic jug, nagpalutang-lutang sa dagat hanggang masagip ng mga mangingisda.

Isang malaking katanungan kung bakit hindi masugpo ng military ang Abu Sayyaf. Kulang sa armas, kasanayan o sadyang walang interes na tugisin para sila durugin? Nasa gitna ng kontrobersiya ang Armed Forces of the Philippines makaraang akusahan ng corruption ng mga rebeldeng sundalo. Nagbebenta umano ng mga baril at bala ang AFP sa MILF at Abu Sayyaf. Kung kakulangan sa armas na pangsagupa ang dahilan kung kaya hindi madurog ang Sayyaf, maaaring corruption nga ang dahilan.

Marami nang taning na ibinigay si President Arroyo sa mga terorista subalit hanggang ngayon, nakatayo pa rin ang mga "uhaw sa dugo". Walang nakaaalam kung kailan madudurog sapagkat naaagaw ng ibang problema ang military.

ABU

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

GERTRUDES TAN

ISANG

MILITARY

NOONG ABRIL

SAYYAF

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with