^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nakaw na yaman,gamitin nang may kabuluhan

-
PERA ng taumbayan ang ninakaw kaya dapat sila rin ang makinabang ngayong ibabalik na ito. Labimpitong taon ang hinintay bago nagdeklara ang Supreme Court na ang P38 bilyon ng mga Marcoses na nakadeposito sa Swiss Banks ay pag-aari ng gobyerno ng Pilipinas. Ill-gotten wealth ang perang inaangkin ng mga Marcos sa may 20-taon niyang pamumuno. Mula sa dating $386 million noong 1986, lomobo ito sa $708 million na ang katumbas sa peso ay 38 billion. Ang pagkakadeklara ng Korte ay isang tagumpay para sa taumbayan, hindi lamang doon sa dumanas ng mga pagpapahirap at nalabag sa karapatan. Bawat Pilipino ay kabahagi sa ninakaw na yaman. Nararapat na ang lahat ay makinabang sa pera.

Bagamat nakasaad sa batas (House Bill 4535) na dapat ay P10 billion ang mapupunta sa mga human rights victim, sinabi ni Mrs. Arroyo kamakalawa na maaaring P8 bilyon lamang ang mapunta sa kanila at ang natitirang P30 bilyon ay ibubuhos lahat sa agrarian reform. Sa ilalim ng Republic Act No. 6657, ang lahat ng perang ninakaw na mababawi ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa mga Marcoses ay awtomatikong gagamitin o mapupunta sa land reform program.

Sinabi ng gobyerno na bago matapos ang 2003 ay maibabalik na ang pera at magagamit na sa pagpapaunlad ng agraryo. Sa nararanasang kadahupan ng bansa at mababang kalidad ng pamumuhay, ang perang ninakaw ay malaking tulong para mapaunlad ang bansa. Magagawa ng perang ito na pabutihin ang buhay ng mga Pinoy na matagal na inapi ng diktador na nagdulot ng sapin-saping kahirapan.

Gamitin ang pera sa pagpapagawa ng mga kalsada o farm to market road at ganoon din sa paglalagay ng elektrisidad. Sa kasalukuyan maraming barangay sa buong bansa ang walang kalsada kaya hindi nila mailuwas ang kanilang paninda sa bayan. Kung mayroon mang kalsada, hindi iyon naisemento o naispalto kaya naging daan lamang ng kalabaw. Maraming barangay ang wala pa ring koryente kaya mabagal ang pag-unlad. Gamitin ang pera sa pagpapatayo ng mga publikong eskuwelahan. Marami sa mga estudyante na sa kawalan ng classroom ay sa ilalim na lamang ng puno nagsisipagklase. Gamitin ang pera sa pagtatayo ng mga kooperatiba na ang makikinabang ay mga magsasaka. Turuan ang mga magsasaka sa wastong pamamaraan ng pagtatanim. Kung magkakaron sila ng kaalaman uunlad ang kanilang buhay at siyempre pati ang bansa ay kasama sa pag-unlad. Hindi dapat masayang ang pera ng taumbayan.

vuukle comment

BAWAT PILIPINO

GAMITIN

GOOD GOVERNMENT

HOUSE BILL

MARCOSES

MRS. ARROYO

PERA

PRESIDENTIAL COMMISSION

REPUBLIC ACT NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with