^

PSN Opinyon

Buti na ang mahigpit kaysa maluwag

- Al G. Pedroche -
SUMOBRA ang higpit ng seguridad sa Ninoy Aquino International Airport nitong nakalipas na ilang araw.

Pero mabuti iyan kaysa malusutan pa tayo ng mga terorista. Ang tanong – hanggang kailan kaya ang paghihigpit na iyan?

Kasi bago naging estriktong muli ang seguridad sa NAIA, nag-alburoto si Presidente Gloria Arroyo sa sobrang luwag ng seguridad. Sorpresa siyang dumalaw sa NAIA. Incognito, o walang nakakakilala. Yung sinasakyan niyang kotse ay madaling nakalusot nang walang security check. Nagalit si GMA! Nagtataray at sinabon si NAIA GM Edgar Manda. : "Nasaan ang mga security officers" ang mataray na bulalas-patanong ng Pangulo. Pobreng Ed Manda, napakamot na lang ng ulo.

May mga politiko na namang sumakay sa isyu dahil diyan. Nag-press release agad at pinasisibak si Manda. Dangan kasi naman Mr. NAIA manager, parang alimuom ang paghihigpit sa NAIA. Luluwag, hihigpit. Sa panahon ngayon na ginigiyera ang IRAQ ng Amerika at Britanya, isipin natin yung posibleng sympathy attack ng mga local terrorist na nakiki-simpatiya kay Saddam.

Nangyari na nga ang bombahan sa Davao City Airport, huwag nang bayaang maulit sa iba nating mga paliparan at daungan. Kaya ngayo’y nagrereklamo naman ang maraming pasahero. Dahil sa masinsing security check na isinasagawa sa bawat pumapasok na pasahero, nadedelay sila sa kanilang flight at naiiwan ng eroplano.

Minsan nga’y na-‘‘wow mali" ang mga security officers nang mapagkamalang chemical bomb o granada ang nakapaloob sa isang bag, kaya pala’y lighter lang na hugis bomba. Pisting yawa! Pero oks lang.

Sabi nga, mas mabuti na ang nakasiseguro. Mayroon namang pasaherong nakauunawa. Afterall nga naman, ito’y para sa kanilang kapakanan. Pero mayroong iba na talagang nanggalaiti sa galit dahil napag-iwanan ng kanilang eroplano.

Napasigaw ang pasaherong si Gorio: "Dahil sa security check na iyan, na-late ako. Naiwan tuloy ako ng eroplano "aniya. Say ko naman "Mang Gorio, better Gorio late than the late Gorio" di ba?

vuukle comment

DAHIL

DAVAO CITY AIRPORT

EDGAR MANDA

GORIO

MANG GORIO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PERO

POBRENG ED MANDA

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with