^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng kubeta

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
ANG magsasaka ay ipinanganak sa liblib na baryo kaya nang makarating sa Maynila para maging hardinero ay manghang-mangha sa mga nakita.

Ang kanyang pagkamangha ay nakumpleto nang makarating siya sa mansiyong paglilingkuran. Ang opisina lamang ng guwardiya ay kasinglaki ng palayan ng kanyang ama. Hangang-hanga siya sa laki ng bakuran.

Isang araw nakita niya ang pinakaloob ng mansion habang wala ang kanilang mga amo at nasa ibang bansa.

Nakita ng magsasaka ang swimming pool na hugis inidoro. Hindi niya alam na iyon ay swimming pool. Natulala ang magsasaka nang masalamin ang kanyang mukha sa malinis na tubig. Naglakad siya sa gilid ng pool. Sa labis niyang kuryosidad, lumuhod siya upang ilubog ang kanyang kamay sa tubig. Subalit nadulas siya kaya nahulog sa pool.

Lumubog-lumitaw siya sa tubig. Hindi siya marunong lumangoy. Nagsisigaw siya.

Hanggang dumating ang kusinero at tinulungan siyang makaahon sa pool.

‘‘Ba’t ka nahulog sa swimming pool?’’ Tanong ng kusinero.

‘‘Swimming pool? Di ba toilet bowl ito?’’

vuukle comment

HANGANG

HANGGANG

ISANG

LUMUBOG

MAYNILA

NAGLAKAD

NAGSISIGAW

NAKITA

POOL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with