^

PSN Opinyon

Sakit na may kinalaman sa trabaho

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Nagsimulang magtrabaho si Adela sa highway district engineer’s office sa kanilang probinsya noong 1954. Malusog at masigla ang kanyang katawan at pag-iisip noon. Mula pagiging computer aide naging senior clerk siya. Siya ang nag-aasikaso sa lahat ng mga papeles ng opisina mula sa mga pansuweldo, paghingi ng leave, paggawa ng plantilla pati na ang mga aplikasyon sa pagretiro at iba pang benepisyo ng empleyado. Dahil sa labis na trabaho, karaniwa’y lumalampas siya sa oras at kung minsa’y di na makuha pang gumawa ng pansariling pangangailangan.

Noong 1975 nakaramdam siya ng sakit sa kaliwang tagiliran sa bandang puwitan. Ginamot siya at nakabalik sa trabaho. Matapos ang dalawang linggo na-ospital muli siya. Lumabas at naospital muli at hindi na gumaling. Namatay dahil sa kanser sa colon at sakit sa bato. Twenty-one years siyang nagtrabaho sa gobyerno.

Nang humiling ang biyudo ni Adela na si Aniceto ng death benefits sa halagang P12,000, tinanggihan ito ng gobyerno at sinabing ang sakit daw ni Adela ay hindi sanhi ng kanyang trabaho. Tama ba ang gobyerno?

Mali.
Wala pang nakaaalam ng tiyak na pinanggalingan ng sakit na kanser. Kasalukuyan pang pinag-aaralan ng mga siyentipiko at doktor kung ano ang gamot dito. Kaya hindi maaasahan na ang isang ordinaryong tao tulad ni Aniceto ay makapagpapatunay ng tunay na dahilan ng pagkakasakit ng asawa niyang si Adela. Kung mga dalubhasa mismo ay hindi pa nga nakatitiyak si Aniceto pa kaya.

Isang makatwirang kaugnayan lang sa trabaho at di tuwirang dahilan ng pagkakasakit ang kinakailangan ng batas. Si Adela ay palaging nagtatrabaho nang lampas sa oras. At dahil pa rin sa bigat at tindi ng ginagawa maliban sa mga puwersa sa pangkaisipan pati na tuluy-tuloy at matagal na pagkakaupo, masasabing ang trabaho niya ay may kinalaman sa kanyang pagkakasakit. Tama lang na bayaran si Aniceto ng death benefits. (Juala vs. ECC 128 SCRA 462)

vuukle comment

ADELA

ANICETO

DAHIL

GINAMOT

ISANG

JUALA

KASALUKUYAN

KAYA

SI ADELA

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with