^

PSN Opinyon

Ang makipot na daan

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Ang kaligtasan ay isang napakahalagang gawain ng bawat Kristiyano. Ito ang pinakaimportanteng tungkulin na dapat nating ipatupad sa ating buhay. Ang kaligtasan o ang gawaing makarating sa paghahari ng Diyos ay parang pagpasok sa isang makipot na pintuan.

Ang kakiputan ng pintuan ay hindi nangangahulugan ng kahirapan. Datapwa’t ito’y nagpapanukala na ang isa’y dapat patuloy na magsumikap. Ito ay isang pakikibaka na nagsasangkot sa kaluluwa at espiritu.

Pakinggan natin si Jesus habang sinasagot niya ang katanungan ng isang Judio (Lk. 13:22-30).

‘‘Nagpatuloy si Jesus sa kanyang paglalakbay. Siya’y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan patungong Jerusalem. May isang nagtanong sa kanya: ‘Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?’ Sinabi niya, ‘Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makakapasok.

‘‘Kapag ang pinto’y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, "Panginoon, papasukin po ninyo kami." Sasagutin niya kayo, ‘‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!’’ At sasabihin ninyo, ‘Kumain po kami at umiinom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin.’’ Sasabihin naman ng Panginoon, ‘‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!" Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama’y ipinagtabuyan sa labas! At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.’’


Na kayo’y nabigyan ng pananampalataya ay isang napakalaking handog mula sa Diyos. Subalit upang makamit ang kaligtasan, gaya nang nabanggit na namin sa itaas, kailangan tayong magsumikap o magpunyagi. Pangkaraniwan na nating karanasan na upang makamit ang tagumpay, ang tao’y dapat na magsumikap at pagbutihin ang gawain. Ang isang nag-aabugasya ay kailangang paghirapan ang pag-aaral upang makapasa sa bar examinations. Ganoon din ang isang atleta na nagsasanay na mabuti upang makuha ang isang premyo.

Ang alay-dangal (o active non-violence) na nagtataguyod ng kapayapaan at katarungan ay humihingi ng pagpupunyagi. Itinataya ng isang tao ang kanyang buong pagkatao upang isaganap ito. Ang pagpupunyagi at pagsusumikap ay ang halagang itinataya upang itaguyod ang kapayapaan at katarungan.

Ang kaligtasan ay nagsisimula sa buhay dito sa lupa. Subalit ang wakas nito’y nasa kabilang buhay – ang pagtatapos ng pagsusumikap at pakikibaka.

DATAPWA

DIYOS

GANOON

GINOO

ISANG

KAYO

PANGINOON

SASABIHIN

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with