^

PSN Opinyon

Ang mayor na maraming luxury cars

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
Alam n’yo bang maraming luxury cars ang isang city mayor?

Ayon sa aking bubuwit, 91 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kay Engr. Don Rafols ng DZRH Engineering; Engr. Peter Punzalan, Bobby Velasco ng Café de Malate; Chris Amistouso at Joaquin "Quinito" Aguilar ng MBC Sales.
* * *
Alam n’yo bang habang nananawagan si President Gloria Macapagal-Arroyo sa pagtitipid ng pamahalaan at pagbabawal sa paggamit ng mga luxury cars, ito namang isang city mayor ay sobrang luho sa mga sasakyan.

Ayon sa aking bubuwit, itong si City mayor ay maraming luxury cars. Ilan sa mga luxury cars ni City mayor ay kinabibilangan ng isang Jaguar na two-door.

Wow, ang pinakamurang Jaguar ay nagkakahalaga ng P4-million! Magkano kaya itong sportscar na Jaguar ni Mayor?

Bukod sa Jaguar ni Mayor meron pa siyang Ford na F-150, Pajero at Nissan Safari.

Pero, ang isa pang matindi ay ang kanyang mamahaling motorsiklo. Ito ay motorsiklong Harley Davidson na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.

Kapag ginagamit ni Mayor ang motorsiklo ay sangkaterba ang kanyang mga escorts. Merong dalawang motorcycle cops sa harapan at meron pang nakabuntot sa kanya. At meron pa siyang back-up bodyguards na sakay naman ng Nissan Patrol.

Hanep ka mayor!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang city mayor na gumagamit ng two-door na Jaguar kahit ipinagbabawal ni GMA ang paggamit ng mga luxury cars sa mga government officials ay si...

Wala kasing asawa si Mayor kaya siguro ang mga luxury cars na ang kanyang pinaka-misis.

Ito ay walang iba kundi si...

Sabagay, okey lang siguro kung sarili niyang pera ang ipinambili rito. Pero kahit na, ngayong panahon ng krisis hindi maganda yung pagpapakita ng pagiging luxurious style ng pamumuhay ng isang opisyal ng gobyerno.

Ang city mayor na merong Jaguar, F-150, Harley Davidson at iba pang mamahaling sasakyan ay si...

Ito ay si Mayor F. as in Fafa.

vuukle comment

ALAM

AYON

BOBBY VELASCO

CHRIS AMISTOUSO

DON RAFOLS

HARLEY DAVIDSON

MAYOR

MAYOR F

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with