^

PSN Opinyon

'Takusang' governor ka-date ang chiching niya sa Malaysia

-
Alam n’yo bang ka-date ngayon ng isang governor ang kanyang chiching sa abroad?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Vice-Mayor Dennis Carlos ng Meycauayan, Bulacan; Ed Cordova, Oliver Reyes ng MBC; Efren Alano, Baby Alano, Marilyn Ebreo at Sis. Arlene Vano.

Happy wedding anniversary kina Mar at Annie Urbano ng Bulacan.

Binabati ko rin sina Maj. Gen. Librado Ladia ng Philippine Marines; Col. Eugene Clemen, Cesar de Guzman ng Lakeside Farms at Harry Copada.
* * *
Alam n’yo bang ka-date ngayon ng isang governor ang kanyang chiching sa abroad?

Ayon sa aking bubuwit, matapos mag-alsa balutan ang misis ni Governor at nagtungo sa abroad, naglayas din si Governor kasama naman ang kanyang magandang chiching na isang socialite.

Nagtungo sa US ang misis ni Gov kasama ang kanilang tatlong anak. Si Gov ay nagtungo naman sa Malaysia kasama naman ang kanyang seksing chiching.

Kasama rin kaya ang limang anak ni Ms. Socialite?

Ayon sa aking bubuwit, alam ng mga staff ni Gov na makikipag-date siya sa kanyang chiching pero ang official na paalam niya ay dadalo sa isang seminar sa Malaysia.

Naku, baka naman pera ng gobyerno ang ginagastos niya sa kanyang pambababae. Si Gov ay nakatakda pang bumalik sa Pilipinas sa June 22. Matagal-tagal ding date ’yan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nagsimula ang away ni Gov at kanyang misis dahil nabalitaan ang tungkol sa chiching. Siguro ay nakadagdag pa rin sa pag-aaway ang ginagawang pag-sermon ng mommy ni Gov. Pinapagalitan pala ng mommy ni Gov ang kanyang manugang na abogada sapagkat masyado umano itong antipatika.

Hindi magkasundo ang mag-biyenan sapagkat hindi raw marunong makisama at humarap sa tao ang misis ni Gov. Dahil pulitiko ang kanyang mister, dapat ay marunong din itong makisama at makiharap sa mga tao.

Oo nga naman.

Ang problema rito, mukhang hindi masabihan ni Gov si Misis sapagkat siya pala ay "under de saya".

"Takuza" ka pala Gov.
* * *
Pero ayon sa aking bubuwit, kahit "takuza" si Gov, sumisimple rin palang mang-chicks.

Maganda ang chiching ni Gov sapagkat ito ay socialite at dating commercial model. Medyo mestisahin, sexy, balingkinitan ang katawan at medyo matangkad.

Hindi raw katulad ng misis ni Gov na medyo malapad na ang katawan at matapang pa.

Ang problema lamang sa chiching ni Gov, lima na ang anak nito. Pero magkaganoon man, alaga ang katawan. Sexy pa rin siya.

Magkabalikan pa kaya si Gov at ang kanyang misis?

Ayon sa aking bubuwit, ang "takuzang" governor na may ka-date ngayong magandang socialite sa Malaysia ay walang iba kundi si...

Gov. M.F. ng Ilocos Region.

vuukle comment

ALAM

ANNIE URBANO

ARLENE VANO

AYON

BABY ALANO

CHICHING

GOV

KANYANG

SI GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with