^

PSN Opinyon

Crony ni Erap 'baboy' makipag-'do' sa masahista

-
Alam n’yo bang hindi naman pala nagpapamasahe itong isang crony ni dating President Erap kapag ito ay nagpupunta sa massage parlor?

Ayon sa aking bubuwit, 20 days na lang at eleksiyon na.

Happy birthday kay Rep. Ignacio "Tonting" Bunye ng Muntinlupa City; Rep. Faustino Dy Jr. ng Isabela; Rep. Simeon Kintanar ng Cebu at Rep. Ernesto "Banzai" Nieva ng Maynila.

Binabati ko ang mga kandidato sa pagka-mayor sa Pinili, Ilocos Norte. Ang mga magkakalaban ngayon ay apat na magkakamag-anak at dating magkakasama sa pulitika. Sila ay sina Mayora Anunsascion Pagdilao, Atty. Augusto Coloma, Atty. Farley Estavillo at Atty. Fyke Tacub.

Ang pakiusap ko sa mga kamag-anak kong ito ay huwag naman sanang umabot pa sa patayan ang inyong labanan sa pulitika. ’Yun lang.
* * *
Alam n’yo bang mahilig pumunta sa massage parlor ang isang crony ni dating President Erap?

Ayon sa aking bubuwit, kapag nagpupunta sa "tadtaran" itong crony ni Erap ay hindi naman nagpapamasahe. Ayaw ng body massage at ayaw din ng sensation. Iba talaga ang kanyang type.

Ang kanyang paboritong puntahan ay ang massage parlor with videoke bar sa Parañaque City. Ito ay ang Sky Trek na pag-aari ng Chinese businessman na si Jolly Ting.

Di ba, Mayor Joey Marquez?

Hindi na ba sumusugod diyan si Alma Moreno kapag ikaw ay nagpupunta sa Sky Trek?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, alam na alam ng mga boy sa Sky Trek kapag naroon ang crony ni Erap dahil marami itong bodyguard.

Gen. Larry Mendoza, Sir, daig ka pa yata sa dami ng security.

Kapag nasa loob na ng cubicle itong crony ni Erap, nakakalat na ang mga "jaguar" nito sa loob ng sauna parlor. May nakabantay sa lobby, sa corridor patungo sa cubicle ni Crony at meron pang nakabantay mismo sa pintuan ng kuwarto.

Hanep, daig pa ang Presidente!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang paboritong attendant ng crony ni Erap ay si No. 43.

Si No. 43 ay Ilongga, mestisahin, tsinita, sexy, maikli ang buhok at may taas na 5’2’’. Itatago ko siya sa pangalang Ms. Joan.

Kapag nagtungo ang crony ni Erap sa Sky Trek Sauna Parlor, hindi naman pala siya nagpapamasahe. Ang gusto niya ay aksyon agad.

Pero, kung gaano kalaki at kataba ang nasabing crony, ito ay may pagka-‘baboy’ diumano sa pakikipag-"do".

Sayang naman ang ibinabayad ng crony ni Erap. Massage parlor ang pinuntahan pero hindi naman nagpapamasahe.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kung "dumale" itong si Crony ay talaga namang hirap na hirap. Sa laki ng tiyan at katabaan ay hindi na kayang dumapa at mag-"push-up".

Nakatayo na lang siya. Kaso nga lang, kung anu-anong klaseng posisyon ang ipinagagawa niya sa attendant na si Ms. Joan.

Nagagalit pa si Crony kapag hindi sumunod si Ms. Joan. Kawawa naman.

Kung mag-tip naman daw si Crony ay mga P3,000. Puwede na ba ’yun, ’Day?

Ayon sa aking bubuwit, ang crony ni dating President Erap na pumupunta sa massage parlor pero hindi naman nagpapamasahe kundi tumotonting lamang ay si...

Kontrobersiyal ang mamang ito. Siya ay sangkot sa pinakamalaking eskandalo sa stock market. Nadawit din ang pangalan nito sa Bubby Dacer case.

Siya ay nagtatago ngayon. Ito ay walang iba kundi si Mr. D.T.

vuukle comment

AYON

CENTER

CRONY

ERAP

MS. JOAN

NAMAN

PRESIDENT ERAP

SKY TREK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with