Isang mansiyon, 2,000 pabahay na (2)
December 8, 2000 | 12:00am
Pamilya kami ng arkitekto. Kapwa arkitekto sina Mommy at Daddy. Dean si Daddy ng FEU-Institute of Architecture and Fine Arts hanggang mamatay siya. Pinsan ni Mommy sina Concio. Pamangkin ni Daddy sina Guanlao. Maliit ang sirkulo ng mga arkitekto. Magkaka-kilala sila. Halos iisa ang tambayan. Malimit magpalitan ng kuwento tungkol sa mga proyekto.
Tatlong batikang arkitekto ang kinausap ko tungkol sa mga napabalitang mansiyon. Naka-design na sila ng malalaking bahay sa Forbes, Dasma at Wack Wack. Kilala nila ang mga gumawa ng 16 na mansiyon nung mamang nangako kamakailan ng 2,000 land rights.
Yung Boracay Mansion sa New Manila, may swimming pool na pang-Olympics ang laki at tabing-dagat ang korte. May tatlong makinang bumubuga ng alon, at napapaligiran ng puting buhangin at bato, parang Boracay. Halaga ng pool: P20 milyon. Pero sa squatter area at sa barrio, uhaw na uhaw ang taumbayan sa malinis na tubig. Kung itinustos sana ang pera sa patubig sa halagang P2,000 ang isa 10,000 balon sana ang nahukay.
Yung masters bedroom ng isa sa dalawang mansiyon sa Forbes, P25 milyon para sa istruktura at gamit. Sapat sana itong ipangtayo ng 250 silid-aralan. May sobra pa para sa silyat mesa, at pagkain ng mga bata sa isang taon. Walo ang bedroom sa bawat mansiyon.
Yung masters bathroom ng isa sa dalawang mansion sa Tagaytay, P20 milyon kasama na ang imported tiles at tubog-sa-gintong gripo. Sapat sanang ipangtayo ng ospital na may 150 kama. Sampu ang banyo ng bawat mansiyon.
Para itayo ang istruktura ng isang mansiyon, P50,000 ang budget bawat metro-kuwadrado. Isang-taong suweldo na ito ng isang sundalo, alisin ang maraming deductions. E bawat mansiyon ay 1,000 hanggang 2,000 metro-kuwadrado ang lawak depende sa luho ng kabit.
Anak ng jueteng, inggit lang kayo, ismid niya. Hindi, ngitngit na ngitngit tayo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended