^

Metro

DOTr, sasalo sa operasyon ng EDSA Busway sa 2027

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sasakupin na ng Department of Transportation  sa 2027 ang buong operasyon ng EDSA Busway, kabilang ang maintenance ng mga footbridge, upang matiyak ang sapat na pondo para sa pagkukumpuni at panganga­laga ng mga pasilidad.

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, ili­lipat na sa DOTr ang responsibilidad na kasalukuyang hawak ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) upang maiwasan ang pagpapasahan ng responsibilidad sa tuwing may kaila­ngang kumpunihin.

Kasunod ito ng mga reklamo hinggil sa mga hindi gumaganang ele­vator at sirang ilaw sa mga footbridge dahil sa kakulangan umano ng pondo para sa maintenance.

Samantala, umabot na sa 400 ang mga bus na bumibiyahe sa EDSA Busway matapos magdagdag ng 50 unit bilang paghahanda sa pagdami ng mga pasahero ngayong holiday season. Plano pa ng DOTr na magdagdag ng 50 bus sa Disyembre.

Kahapon, personal na ininspeksiyon ni Dizon ang mga elevator sa Guadalupe EDSA Busway Carousel overpass na naipaayos matapos magreklamo ang isang senior citizen. Anim na elevator na umano ang naayos, kabilang ang mga nasa Guadalupe, Phil-Am at Kamuning stations, habang target namang matapos sa loob ng dalawang linggo ang pagkukumpuni sa mga natitira pa.

DOTR

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with