^

Metro

2 Chinese timbog sa loose firearms sa Makati

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 Chinese timbog sa loose firearms sa Makati
Sinabi ni NCRPO Director P/Major Gen. Anthony Aberin, ang operasyon ay matapos makatanggap ng intelligence report ang kanilang tanggapan hinggil sa kahinahina­lang ikinikilos ng dalawang Chinese national.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang Chinese national na nahulihan ng loose firearms  sa arms cache sa inuupahan ng mga itong bahay sa Brgy. Valenzuela, Makati City sa isinagawang operasyon nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni NCRPO Director P/Major Gen. Anthony Aberin, ang operasyon ay matapos makatanggap ng intelligence report ang kanilang tanggapan hinggil sa kahinahina­lang ikinikilos ng dalawang Chinese national.

Nang magpositibo ang report ay agad namang ikinasa ang operasyon at sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ay ni-raid ang inuupahang bahay ng mga suspect sa Antipolo Street, Brgy. Valenzuela ng lungsod.

Ayon kay Aberin, nakumpiska sa nasabing mga Chinese ang isang sniper rifle at tatlo pang ibang mga armas. Ayon sa opisyal, wala namang maipakitang dokumento ang dalawang dayuhan na legal ang pag-iingat ng mga ito ng armas kaya’t inaresto ang mga ito na hindi muna tinukoy ang mga pangalan kaugnay ng patuloy na imbestigasyon sa kaso.

Binigyang diin ni Aberin na ang operasyon ay bahagi ng agresibong anti-crime operations laban sa mga organisadong kriminal na ipinag-utos ni PNP Chief P/Gen. Nicolas Torre III.  

Nahaharap ngayon ang mga suspect sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o ang Comprehensive Firearms Regulation Act.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with