^

Metro

NAIA handa sa pagdagsa ng 1 milyong pasahero

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
NAIA handa sa pagdagsa ng 1 milyong pasahero
Inaasahan ni MIAA General Manager Eric Ines ang pagtaas ng 15% sa rami ng pasahero sa Semana Santa ngayong taon kumpara sa 926,755 na pasaherong dumaan sa NAIA mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay noong nakaraang taon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nakahanda ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagdagsa ng tinatayang 1-milyong pasahero sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Marso 24 hanggang Marso 31 para sa “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024.

Inaasahan ni MIAA General Manager Eric Ines ang pagtaas ng 15% sa rami ng pasahero sa Semana Santa ngayong taon kumpara sa 926,755 na pasaherong dumaan sa NAIA mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay noong nakaraang taon.

“Kami ay handa para sa pagdagsa na ito sa aming mga terminal, lalo na’t ang Semana Santa ay kasabay ng tag-araw, sa kasaysayan ay isang peak season para sa paglalakbay sa himpapawid,” sabi ni Ines.

Nabatid na mayroong standby generator set na nagsu-supply ng kur­yente sa mga mahahalagang pasilidad ng MIAA para sa mga kaso ng power failure ng Me­ralco, kabilang ang MIAA Admin Building, lahat ng complex ng apat na terminal ng pasahero, at ang International Cargo Terminal.

Upang matugunan ang epekto ng El Niño at tumataas na temperatura, pinapalitan ng MIAA ang mga fan coil sa mga terminal air conditioning unit at nagsasagawa ng mga regular na inspeksyon at pagpapanatili ng mga air handling unit, habang ang Awtoridad ay nakikipag-ugnayan sa Maynilad para sa walang patid na serbisyo ng tubig.

Para ma-accommodate ang inaasahang pagdami ng flights sa panahon ng Lenten season, inayos din ng MIAA ang nakatakdang pagsasara ng Runway 06/24 para sa dalawang magkasunod na Lunes at Miyerkules, partikular sa Marso 25 at 27, at Abril 1 at 3.

Binawasan ng MIAA ang panahon ng pagsasara mula limang oras, orihinal na itinakda mula 12:30 am hanggang 5:30 am, hanggang tatlong oras, ngayon mula 1:30 am hanggang 4:30 am sa mga tinukoy na petsa.

Binigyang-diin din ni Ines ang patuloy na pakikipagtulungan ng MIAA sa mga ahensya ng gobyerno sa loob ng NAIA, tulad ng Bureau of Immigration (BI) at Office for Transportation Security (OTS), upang pamahalaan ang mga kritikal na choke point o queues at tiyakin na ganap na may tauhan ang mga immigration counter at final security points.

Ang Civil Aeronau­tics Board (CAB) at iba pang may kinalamang ahensya ng gobyerno ay handang magbigay ng tulong sa mga pasahero sa kani-kanilang help desk sa mga terminal.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with