^

Metro

Nursing student patay sa sunog sa Malabon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Nursing student patay sa sunog sa Malabon
Firefighters respond to a second alarm fire that hit a residential area along Quezon Street in Barangay Tugatog, Malabon on March 20, 2024.
Photo courtesy of Tinajeros Brotherhood Fire Brigade Inc./Fire and Rescue Alert Responders

MANILA, Philippines — Patay ang isang nursing student nang sumiklab ang sunog sa isang residential area kahapon ng umaga sa Brgy. Tugatog, Malabon City.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection ang biktimang si Nyanza Manalang, 20-anyos, residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni Fire Senior Inspector Michael Jacinto, deputy fire marshal ng Malabon, nangyari ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa nasabing barangay.

Mabilis na kumalat ang apoy mula sa katabing bahay ng biktima na noo’y mahimbing na natutulog.
Natagpuan ang biktima sa may hagdan ng ikalawang palapag ng bahay na posibleng nagtangka pa siyang lumabas subalit na-trap na ng apoy.

Sa kabila nito, hindi naman sunog ang katawan ng biktima nang matagpuan kaya posible umanong na-suffocate at nabigo nang makalabas ng bahay.

Pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng barangay ang may 9 na pamilya na nawalan ng tirahan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang BFP sa sanhi ng sunog.

vuukle comment

MALABON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with