^

Metro

Kontribusyon ng kababaihan, kinilala ng ACT-Agri Kaagapay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa malaking papel at kontribusyon sa lipunan, binigyang pagkilala ng ACT-Agri Kaagapay ang mga kababaihan kasabay ng selebrasyon ng International Women’s Day kahapon.

Ayon sa Pangulo ng ACT-Agri Kaagapay na si Virginia Rodriguez, ngayong buwan ng Marso ay kinikilala ang kontribusyon ng mga kababaiban kaya saludo siya sa mga katulad niyang babae na nagsusulong na magkaroon na maayos na pamumuhay ang bawat Pilipino, lalo na ang kani-kanilang pamilya.

Binati ni Rodriguez ng “happy women’s month” ang mga ina na itinataguyod ang kinabukasan ng kanilang mga anak sa kabila ng maraming pagsubok na dumarating sa kanilang buhay bilang isang babae.

Taas-noo ring nagbigay ng pagkilala si Rodriguez sa mga kababaihan na patuloy na nagtataguyod ng kaayusan ng buhay pampamilya, at sa lipunan saan mang panig ng mundo bilang kabahagi ng tunay na pagbabago.

Inihalimbawa ni Rodriguez ang sarili na maagang naulila sa asawa kaya mag-isa nitong itinataguyod ang pamilya, buhayin at papag-aralin sa magandang paaralan ang kanyang mga anak. Bukod sa pagiging solo parent, tumutulong din aniya siya pa sa mga mahihirap na kababayan.

Si Rodriguez ay dating reporter, isang matagumpay na negosyante, Philantropo at author ng librong “Leave Nobody Hungry” na ginagamit ngayong gabay ng maraming magsasaka hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa.

vuukle comment

ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with