^

Metro

Wanted na dawit sa 9 kaso ng rape, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natimbog ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Malate, Maynila ang isang lalaki na Top 7 Most Wanted sa siyudad dahil sa kinakaharap na siyam na magkakahiwalay na kaso ng panggagahasa at pang-aabusong sekswal.

Kinilala ang naaresto na si Aljohn Ramos, 34, ng Singalong Street, Malate, Maynila.

Nadakip siya ng mga tauhan ng Malate Police Station 9 dakong alas-5:30 kamakalawa ng hapon sa kanto ng San Andres at Leon Guinto Streets, sa Malate, sa bisa ng warrant of arrest mula sa National Capital Judicial Region sa Maynila.

Nabatid na nahaharap ang suspek sa siyam na magkakahiwalay na kaso kabilang ang isang kasong Rape na walang piyansa, apat na kaso ng Sexual Assault, at apat na kasong Acts of Lasciviousness.

Kabilang sa mga biktima ng suspek ay mga menor-de-edad. Matapos ang mga pang-aabuso, nagtatago umano ang suspek at bumabalik sa kanilang lugar kapag sa tingin niya ay malamig na sa kaniya ang batas.  Hindi siya nakapalag nang matunugan ng mga pulis ang pagbalik niya sa kaniyang lugar.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with