^

Metro

Metro Manila police districts nasa ‘heightened alert’ sa COVID-19

Doris Franche, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila  police districts  nasa �heightened alert� sa COVID-19
Paliwanag niya, mababalewala ang hakbangin na maprotektahan sa pagsuspinde ng klase ang mga kabataan sa banta ng COVID-19 kung sila ay nakikihalubilo pa rin sa ibang tao.
BusinessWorld/File

MANILA , Philippines — Inilagay sa heightened alert status ngayon ni National Capital Region Police Office Director P/Major General Debold Sinas ang  limang police district sa kalakhang Maynila  at pinulong ang mga director para sa mga hakbangin kaugnay sa banta ng Coronavirus 2019 (COVID-19).

Ito’y kaugnay na rin ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na kanselahin ang pasok ng mga estudyante sa mga eskuwelahan mula Marso 10 hanggang 14.

Kabilang sa napagkasunduan na ang mga lugar na pinagtatambayan ng mga kabataang may edad 18 pababa ay puntahan, pagbawalan na gumala at abisuhan na umuwi sa kanilang mga tahanan.

 Paliwanag niya, mababalewala ang hakbangin na maprotektahan sa pagsuspinde ng klase  ang mga kabataan sa banta ng COVID-19 kung sila ay nakikihalubilo pa rin sa ibang tao.

Umapela rin sa mga magulang si Sinas na bantayan ang kanilang mga anak at huwag hayaang magtungo sa mga internet cafe, malls at palengke.

Bukod pa rito ang naka-antabay na Quick Reponse Team na fully equipped  ng Personal Protective Equipment (PPEs) sa pagresponde sa suspected COVID-19 cases. 

Batay na rin aniya, sa utos ni PNP chief, P/Chief General Archie Gamboa, lahat ng NCRPO schoolings, trainings at seminars na naitakda na ay kinansela at suspendido na rin ang mga paglabas ng bansa at pansamantalang pinahinto ang pagsasagawa ng NCRPO promotion. 

Tinatayang halos  40,000 na pulis ang ipapakalat sakaling magdesisyun  ang pamahalaan na ipatupad ang lockdown sa Metro Manila dahil sa coronavirus.

Ito ang nabatid din kay Gamboa sa  isang ambush interview kahapon.

Ayon kay Gamboa, da­pat na makakuha muna ng go signal ang PNP para  sa lockdown mula sa Department of Health bagamat siniguro niyang handa ang kapulisan kapag ipinatupad na ito ng pamahalaan.

vuukle comment

PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with