^

Metro

Utol ng brgy. chairman, itinumba ng rider

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Utol ng brgy. chairman,   itinumba ng rider
Tuluyang binawian ng buhay alas 8:50 ng gabi kamakalawa sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktimang si Annabelle Brinas, at residente ng Elcano St., Binondo, dahil sa tinamong tama ng bala sa leeg.

MANILA, Philippines — Dedo ang kapatid na babae ng isang barangay chairman nang barilin habang abala sa pakikipag-usap sa kaniyang cook  sa Binondo, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Tuluyang binawian ng buhay alas 8:50 ng gabi kamakalawa sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktimang si Annabelle  Brinas,  at residente ng Elcano St., Binondo, dahil sa tinamong tama ng bala sa leeg.

Sa ulat ni P/Senior Master Sergeant Lester Evangelista kay P/Capt. Henry Navarro hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:39 ng hapon  nitong Huwebes nang maganap ang pamamaril sa Elcano St, malapit sa panulukan ng Urbiztondo St., sakop ng  Binondo.

Kinakausap umano ni Brinas ang cook nitong si Aling Cora nang sumulpot ang suspect lulan ng motorsiklo  at walang sabi-sabing pinaputukan ang nakatalikod na biktima na tumagos sa leeg.

Nabatid na ang biktima ay kapatid ni Brgy. 282, Zone 26 Chairman Steven Yap.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng sa­larin at motibo sa krimen.

vuukle comment

ANNABELLE BRINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with