^

Metro

Brgy. officials pinakikilos kontra ‘tambay’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Brgy. officials pinakikilos kontra �tambay�
“Actually disciplining community members should be in the hands of the bara-ngays,” ayon kay Belmonte sa implementasyon ng PNP sa ordinansa ng QC tungkol sa mga tambay sa lungsod.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pulisya na makipagtulungan sa mga bagong halal na barangay officials hinggil  sa pagdidisiplina ng mga ‘tambay’ sa kanilang nasasakupang lugar.

 “Actually disciplining community members should be in the hands of the bara-ngays,” ayon kay Belmonte sa  implementasyon ng PNP sa ordinansa ng QC tungkol sa mga tambay sa lungsod.

Ayon kay Belmonte,  kung may pagtutulungan ang mag­kabilang panig, higit na ma­papagaan ang mabigat na tungkulin ng mga pulis para dito.

Anya, ang pagdidisiplina ay dapat na naipatutupad sa  barangay level at hindi na sa level ng mga kapulisan.

“[General Esquivel] said that the campaign is not actually against loiterers per se but against violators of city ordinances including for example walking around in public places naked, or gambling publicly, or smo-king publicly, or violating disciplinary hours,” ani Belmonte makaraang makipag usap kay CPD Chief Joselito Esquivel.

“These are all local ordi­nances that are really prohi­bited in our ordinances and these are what they are cracking down on,” dagdag pa ni Belmonte.

Samantala, sinabi ni Es­qui­vel na maganda ang resulta ng kampanya ng lokal na pamahalaan kontra ‘tambay’  at bumababa na ang bilang ng kanilang mga naaresto.

Sa record ng NCRPO may 20, 979 na mga nahu-ling lumalabag ng ordinansa simula noong Hunyo 13 hanggang Hunyo 29, 2018. 

vuukle comment

JOY BELMONTE

TAMBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with