^

Bansa

China funds ni VP Sara at Mans, masisilip sa bank at tax records sa impeachment

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
China funds ni VP Sara at Mans, masisilip sa bank at tax records sa impeachment
Composite image shows Vice President Sara Duterte as seen in June 2026 and her husband, Mans Carpio, in April 2026.
Duterte office; The STAR / Miguel de Guzman; Philstar.com composite

MANILA, Philippines — Posibleng mapatunayan kung may katotohanan ang ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes IV tungkol sa umano’y pagpasok ng pondo mula China sa mga account ni Vice President Sara Duterte at ng asawa nitong si Atty. Manases “Mans” Carpio sa oras na busisiin ang mga bank at tax records na ihaharap sa Senado bilang impeachment court.

Ayon kay House prosecution spokesperson Atty. Jay Tolosa sa Dapo News Forum sa Quezon City, na sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa mga susunod na araw, maghahain ang prosekusyon ng mga testigo mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), mga bangko at iba pang financial institutions, pati na rin sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Aniya, sa pagsusuri sa mga rekord ng bangko, financial institutions at AMLC ay malalaman kung tumutugma ang mga dokumento sa mga alegasyong inilantad ni Trillanes.

“Abangan natin dito sa mga maririnig natin sa mga parating na testigo natin at makikita natin sa mga record kung ito hong mga financial transactions na ito ay magma-match doon sa mga narinig natin kay dating Senator Trillanes,” dagdag niya.

Noong Biyernes, ibinunyag ni Trillanes ang umano’y foreign source funding ng negosyong Calle 88 na iniuugnay kina Duterte at Carpio.

Inihayag din ni Trillanes na P319 milyon umanong remittance ang natanggap ng Calle 88 mula sa Chinese government at mga kumpanyang Chinese, habang P150 milyon naman umano ang idinonate sa Malasakit Foundation ni Duterte.

Sinabi rin ng dating senador na nakatanggap umano ang pamilya Duterte ng P181 milyon mula sa pinaghihina­laang drug lord na si Sammy Uy.

Ang mga alegasyong ito ay ina­asahang magiging bahagi ng mga ebidensyang susuriin sa nagpapatuloy na impeachment proceedings laban sa Bise Presidente.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with