^

Metro

Fixer inutas ng bestfriend

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang umano’y fixer ng mga pekeng dokumento sa Recto Maynila ang napatay ng kaniyang kaibigan dahil lamang sa ipinabiling shabu na naging tawas sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng mada-ling araw.

Dead-on-the-spot dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktimang si Weinston Barro, 33, Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang itinuturong suspek na nakilala lamang sa alyas na Ben.

Sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:40 ng madaling araw nang barilin ng suspek ang biktima, habang naglilinis ng mga basura sa harapan ng kanilang bahay.

Lumalabas na ginantihan ang biktima ni alyas Ben, gayung matagal na itong kaibigan.

Nag-ugat umano ang galit ni Ben nang utusan umano ang biktima na umiskor ng shabu subalit tawas ang ibinigay nito.

May nagsumbong umano sa suspek na pinalitan ng tawas ang nasabing shabu.

Bago ang insidente, nitong Biyernes ay nagtungo pa ang suspek sa bahay ng biktima at galit na galit umano kaugnay sa tawas .

Hindi naman pinayagan ni Adora Amil, live in partner ng biktima  na umakyat  ng bahay ang suspect para mapigilan na lamang ang komprontasyon.

Madaling araw na nang lumabas umano ng bahay ang biktima, na lingid sa kaniya, ay nag-aabang lamang sa labas ang suspek.

Sinabi naman ni Kagawad Caloy Fajardo ng  Barangay 310, Zone 31, na walang permanenteng hanapbuhay ang biktima na minsan nang inaresto at nakulong sa kasong estafa dahil sa umano’y pagiging fixer at pamemeke ng dokumento sa Recto, Maynila.

vuukle comment

FIXER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with