^

Metro

Tricycle vs jeep, isa dedo

PIK PAK BOOM - Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Todas ang isang tsuper makaraang makasalpu-kan ng kanyang minama­nehong tricycle ang isang pampasaherong jeep, kahapon ng umaga sa Ma­labon City.

Agad na nasawi makaraang makaladkad pa ng jeep ang biktimang si Antonio Pajarpa, 55, may-asawa, at residente ng Manapat Street, Brgy. Ta-niong, ng naturang lungsod.  Arestado naman ang nakabanggaan na jeepney driver na si Wilfredo Dilla, 51, ng M. Quizon Street, Tondo, Maynila.

Base sa ulat ng Malabon City Police-Traffic Unit, dakong alas-6 ng hapon nang maganap ang aksidente sa kanto ng C4 Road at Manapat Street sa natu-rang barangay.  Papaliko sa kanto ang tricycle ni Pajarpa nang mabundol ito ng jeep na bumabagtas sa C4 Road.

Pumailalim rin si Pajarpa na naging dahilan ng agad niyang pagkasawi. 

Ayon kay Dilla, nawalan umano ng preno ang kanyang jeep habang may kasalubong sa kabilang kalsada kaya hindi na niya naiwasan ang tricycle. 

Nahaharap naman si Dilla ngayon sa kasong reckless imprudence resul-ting in homicide at damage to property.

vuukle comment

ROAD MISHAPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with