^

Metro

Doktor patay sa utol

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang doktor ang pinatay sa saksak ng kanyang sariling kapatid dahil lamang sa hiniram na sasakyan ng misis ng huli na pag-aari ng una na naganap sa isang exclusive subdivision sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa South Super Highway Medical Center sa Parañaque City ang biktimang si Dr. Joser Rabe, ng Anonas St., Ayala Alabang Village, Brgy. Ayala Alabang, Muntinlupa City sanhi ng tinamong mara­ming saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nakakulong naman ngayon sa Muntinlupa City Police detention cell ang suspek na si Jose Rabe Jr., under board naman sa medicine course at  nakatira rin sa naturang lugar.

Sa panayam kahapon kay Senior Supt. Allan­ Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police­, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng bahay ng pamilya Rabe sa nabanggit na lugar.

Bago ang insidente, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid na Joser at Jose, dahil hiniram umano ng misis ng suspek ang pag-aaring sasakyan ng biktima.

Sa kainitan nang pagtatalo ay dito kumuha ng patalim si Jose hanggang sa inundayan nito ng sunud-sunod na saksak ang biktima.

Hindi na umabot pang buhay sa paga­mutan ang biktima dahil sa tinamong mga saksak.

Sa isang follow-up operation naman ng mga pulis ay nadakip ang suspek na si Jose.

Nabatid na may matagal at malalim nang alitan ang magkapatid na Rabe na nakatira lamang­ sa iisang bahay.

Ayon kay Nobleza, patuloy nilang iniim­bes­tigahan ang naturang insidente at iniha­handa na rin nila ang kasong isasampa laban sa natu­rang suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANONAS ST.

AYALA ALABANG

AYALA ALABANG VILLAGE

DR. JOSER RABE

JOSE RABE JR.

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

NOBLEZA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with