^

Metro

Lola inutas ng selosong lolo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 65-anyos na lola makaraang hatawin ng dos por dos ng kinakasamang lolo, kamakalawa  ng hapon sa loob ng Manila North Cemetery, sa Sta. Cruz, Manila.

Dead on the spot ang biktima na nakilala lamang sa pangalang Inday. Nabasag ang bungo nito, may palo sa leeg at likurang bahagi ng katawan mula sa suspek na si Romeo Torre, 64, tricycle driver at caretaker ng mga nitso sa Main St. sa Manila North Cemetery.

Base sa report ni SPO4 Marlon San Pedro, ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas- 5:00  ng hapon nang maganap ang insidente sa likuran ng isang nitso sa nasabing sementeryo.

Sa imbestigasyon ng pulisya , ikinagalit ng suspek ang  madalas na pag-iinom ng biktima at pagdadahilan umano nito sa tuwing nalalasing.

Tinitignan din ang anggulo na selos dahil madalas umanong hindi umuuwi sa kanilang bahay sa loob ng sementeryo si lola.

Posible umanong nagdilim ang paningin ng suspek kung saan sinasabing lasing din ito nang isagawa ang  krimen.

Isang nakasaksi naman ang  humingi ng tulong kina Wilfredo Lazaro at Carmelo Valencio,miyembro ng CSF , kung saan  kusang loob namang sumuko ang suspect saka dinala sa MPD-Sta.Cruz Police Station 3.

vuukle comment

ANG

CARMELO VALENCIO

CRUZ POLICE STATION

HOMICIDE SECTION

MAIN ST.

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA POLICE DISTRICT

MARLON SAN PEDRO

NBSP

ROMEO TORRE

WILFREDO LAZARO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with