^

Metro

Midyear bonus ng mga empleado ng QC hall, matatanggap na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatanggap na ng kanilang mid-year bonus ang may mahigit  5,000 regular employees  sa ilalim ng isang memorandum circular, inatasan ni Quezon City Herbert Bautista ang City budget, Accounting at Treasury departments na ipalabas na ang kaukulang pondo na kailangan para sa pagkakaloob ng naturang benepisyu  sa mga empleado upang may magamit ang mga magulang sa pag-eenrol ng kanilang mga anak ngayong pasukan.

Bago at hanggang May 30 ang huling araw ng pagkakaloob ng mid year bonus.

Ang mid-year bonus ay kalahati ng halaga ng basic monthly salary ng mga em­pleado at  50 percent ng P5,000 yearly cash gift. Ang kalahati ng benepisyu ay ipinagkakaloob tuwing Nobyembre ng taon.

 Ang mga entitled sa benepisyu ay ang lahat ng  elective at appointive regular plantilla city-paid   personnel na nagtrabaho ng apat na buwan sa serbisyo sa  QC government kasama na ang  leave of absence with pay mula January 1 hanggang  May 15, 2014.  

Ang mga empleado na  part-time basis ay bibigyan din ng benepisyo base sa kanilang sahod sa kasalukuyan at pro-rate na halaga ng  cash gift basta’t nakaapat na buwan sa serbisyo.

Ang mga empleado naman na may naka-pending na kasong administratibo ay tatanggap din ng benepisyu basta’t sila ay hindi suspendido.

vuukle comment

BENEPISYU

BONUS

CITY

EMPLEADO

NOBYEMBRE

QUEZON CITY HERBERT BAUTISTA

TATANGGAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with