^

Metro

Sekyu dinedo ng kapwa sekyu

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ngayon ng awtoridad ang isang security guard makaraang barilin at mapatay ang kanyang kasamahan sa binabantayang warehouse sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang suspek na si Marcelino Salazar, 43, na sinasabing bumaril at nakapatay sa kasamahan niyang si Roger Legaspi, 44.

Ayon kay PO3 Hermogenes Capili, ang kumpanyang pinaglilingkuran ng dalawa ay warehouse na naglalaman ng produkto ng kemikal sa Brgy Sauyo, kung saan sila kapwa nakatalaga sa main gate.

Nangyari ang insidente sa main gate ng Trans World Company sa Novaliches, alas-5:30 ng umaga.

Sabi ni Ronel del Rosario, isa ring security guard, nagpa­patrulya siya sa paligid ng warehouse nang biglang marinig ang dalawang malakas na putok ng baril galing mula sa main gate.

Agad na tumakbo si Del Rosario sa lugar at makita ang duguang katawan ni Legaspi na nakahandusay sa lupa, habang wala na dito si Salazar.  Namatay noon din ang biktima  sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Nabatid na si Salazar ay tatlong buwan pa lamang naglilingkod sa kompanya habang si Legaspi ay isang beterano na sa trabaho sa loob ng siyam na taon.

Isang 12 gauge shotgun na may tatlong bala at tatlong basyo nito na pinaniniwalaang ginamit ng suspek, ang narekober sa crime scene. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BRGY SAUYO

DEL ROSARIO

HERMOGENES CAPILI

LEGASPI

MARCELINO SALAZAR

ROGER LEGASPI

SALAZAR

TRANS WORLD COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with