^

Metro

680 pamilya nasunugan sa Caloocan, nanawagan ng tulong

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy sa paghingi ng tulong sa nasyunal at lokal na pamahalaan ang daan-daang pamilyang nasunugan sa Caloocan City makaraang matupok ng malaking sunog ang kanilang mga tahanan nitong nakaraang Sabado.

Kabilang sa hinihinging tulong ng nasa 680 pamilya na nawalan ng tahanan sa Brgy. 86, Kalaanan Compound, ng naturang lungsod ay pinansyal buhat sa pamahalaan upang maitayo ang kanilang mga natupok na bahay.

Sinabi ni Caloocan Public Information Office head, Gigi David na una nang nagbigay si Caloocan Mayor Oscar­ Malapitan sa mga pamilyang nasunugan habang hina­yaan munang pansamantalang tumuloy ang mga ito sa bakanteng lote sa may William Shaw habang muling itinatayo ang kanilang mga bahay.

Duda naman ang ilang residente sa sanhi ng sunog matapos na kumalat ang tsismis na kinukuha umano ang naturang lupain na kinatitirikan ng kanilang mga bahay ng isang malaking kompanya na nais magtayo ng shopping mall sa lungsod.

 

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN MAYOR OSCAR

CALOOCAN PUBLIC INFORMATION OFFICE

DUDA

GIGI DAVID

KABILANG

KALAANAN COMPOUND

WILLIAM SHAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with