^

Metro

7 miyembro ng kidnap for ransom, timbog ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito katao kabilang ang 3 sundalo at 4 sibilyan na kabilang umano sa kidnap-for-ransom group ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang pagsalakay sa Antipolo City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Head Agent Rommel Vallejo,  hepe ng NBI-Anti Organized Crime Division  ang mga na­ares­tong suspek na sina 1st Lt. Noel Alipio, military police ng Philippine Army (PA); Corporal Valentino Carlobos, dating Scout Ranger; Corporal Edgar Alipio, da­ting miyembro ng Philippine Army; mga sibilyan na sina Joseph Entradicho; Grexon Behare; Rafael Camais at Jaime Bendo.

Si Noel Alipio ay aktibo pa sa serbsiyo habang AWOL (absence without official leave)  naman sina Carlobos at Edgar na kapatid ni Noel.

Pinaghahanap naman ng NBI ang kanilang lider na kinilala lamang sa tawag na  Major Del Rosario ng Philippine Army.

Iprinisinta ng NBI sa mga mamamahayag ang mga narekober na apat na kalibre .45 at dalawang granada na nakuha sa mga suspek.

Nabatid na  pakay na dukutin ng mga suspect ang  isang negosyanteng Chinese national na nanggaling umano sa Quezon City at may dalang   P4.5 milyon  subalit hindi nila alam na binubuntutan na  sila ng mga operatiba ng NBI.

Pinipigil sa NBI headquarters ang mga suspek para sa interogasyon at malalimang imbestigasyon hinggil sa kanilang aktibidades.

Inihahanda na rin ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa kanila.

vuukle comment

ANTI ORGANIZED CRIME DIVISION

ANTIPOLO CITY

CORPORAL EDGAR ALIPIO

CORPORAL VALENTINO CARLOBOS

GREXON BEHARE

HEAD AGENT ROMMEL VALLEJO

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with