^

Metro

5 pulis huli sa ‘no helmet’ policy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang pulis Maynila ang  hindi nakaligtas sa paniniket ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos na  masita dahil sa kawalan ng  helmet habang nagmomotorsiklo.

Kinilala ang mga pulis na sina PO1s Daniel Ellazar,  Ranel  Bautista, Jun  Bernardo at  isang  Gallar­do na pawang nakatalaga sa MPD station 1 at PO3 Emerson Fernandez ng MPD station 5.

Ayon kay MTPB  Director Carter  Don Logica, ang  pagkakasita sa mga pulis ay indikasyon lamang na walang kinikili­ngan ang mga traffic enforcers alinsunod na rin sa kampanya  at kautusan ni  Manila Vice  Mayor Isko Moreno na hulihin ang lahat ng lumalabag sa batas trapiko.

Paliwanag ni  Logica,  ipinatutupad lamang ng lungsod ang Republic Act 10054, o mas kilala bilang Motorcycle Helmet Act of 2009. Anya, ginagawa niya ito para rin  sa kaligtasan ng mga motorista.

Samantala, umabot na sa  halos P13 milyon ang  koleksiyon ng MTPB  sa loob lamang ng  dalawang linggo.

Mas makabubuti kung susunod na lamang sa batas trapiko ang mga motorista upang maiwa­san ang paghihintay ng halos pitong oras sa pagtubos lamang ng lisensiya.

 

vuukle comment

DANIEL ELLAZAR

DIRECTOR CARTER

DON LOGICA

EMERSON FERNANDEZ

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MANILA VICE

MOTORCYCLE HELMET ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with