^

Metro

Bus hinoldap sa EDSA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang pampasaherong bus ang hinoldap ng limang miyembro ng notor­yosong robbery group sa Mandaluyong City, kama­kalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong alas-6:00 kamakalawa ng gabi nang holdapin ng mga suspek ang isang Phillipian Bus Line (TXW-565) na biya­heng Baclaran papuntang Monumento na minamaneho ni Allan Marote.

Bagamat puno ng pasahero ang bus, tanging ang driver lamang naman nito at isang pasahero ang nagtungo sa pulisya upang magsampa ng reklamo.

Batay sa reklamo nina Ma­rote at pasaherong si Chris­tine Danseco, 26, da­laga, sales clerk sa isang mall at nakatira sa Murphy, Cubao, Quezon City, sumakay ang mga suspek sa Reliance St., sa EDSA, Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City at nagkunwaring mga pasahero. Gayunman, naglabas ang mga ito ng mga baril at balisong, saka nagdeklara ng holdap bago mabilis na nagsibaba nang makuha ang kanilang pakay.

Natangay mula kay Danseco ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng kanyang wallet na may cash, Samsung Galaxy Tab P23,500, Samsung Ace P9,000, Nokia 6120 P8,000, Star Mobile cell P2,000 at iba pang mga personal na kagamitan, habang natangay rin ang mga cellphone ng iba pang pasahero.

 

vuukle comment

ALLAN MAROTE

DANSECO

HIGHWAY HILLS

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

PHILLIPIAN BUS LINE

QUEZON CITY

RELIANCE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with