Brgy. chairman huli sa drug bust
MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang barangay chairman nang mahuli ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagbebenta ng shabu sa isinagawang entrapment operation sa Cotabato.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nadakip na suspek na si Jimmy Onotan, 33, ng Barangay Kapinpilan, Midsayap, Cotabato.
Ayon sa PDEA si Onotan ay nasa number 8 target pusher ng Midsayap Municipal Police Station.
Sinabi sa ulat ng PDEA na kamakaÂilan lamang nagsagawa ng operasyon ang PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12) North Cotabato Special Enforcement Group sa ilalim ni Director Aileen Lovitos at nagkasundo sa isang transaksyon sa Purok 5, Brgy. Poblacion 6, Midsayap, Cotabato.
Matapos iabot ang P500 marked bill na ginamit sa buy-bust money kapalit ng droga sa barangay chairman ay doon na ito dinakma ng PDEA agents.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, na mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest