^

Metro

Guro nag-text sa mister bago nag-suicide

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-text pa sa kanyang mister ang isang guro bago ito nagpatiwakal  kahapon sa Caloocan City.

Patay na nang matagpuan si Rosita Cortez, 29, ng Bagong Barrio ng naturang  lungsod matapos itong magbigti.

Sa pahayag ni Alex Cortez, 40, asawa ng biktima, umalis siya kahapon ng umaga sa kanilang bahay na may tampuhan sila ng misis niyang si Rosita at habang nasa opisina  ay nakatanggap siya ng text mula sa misis dakong alas-10 ng umaga at sinasabing magpapakamatay ito.

Kaagad na umuwi ng bahay­ ang mister at laking gulat nang makitang patay na nga ang misis habang nakabigti ng pantyhose sa loob ng kanilang bahay.

Sinabi pa ng mister na ilang beses nang nagtangkang magpakamatay ang kanyang misis, subalit naaagapan lamang. Sa ngayon  ay  inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Rosita.

 

vuukle comment

ALEX CORTEZ

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

KAAGAD

PATAY

ROSITA

ROSITA CORTEZ

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with