^

Metro

Katiwala nag-suicide dahil sa selos sa syota

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 27-anyos na katiwala na sinasabing nagselos sa kanyang nobya matapos itong magbaril  sa sentido sa loob ng simbahan, sa Sta. Cruz, Maynila Kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nag-suicide na  si Leo Sambilan, janitor at katiwala  sa The Church in Manila sa #1007 Ongpin Street sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni SPO3  Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-11ng gabi noong Sabado kung saan dumating sa simbahan ang biktima na lango sa alak.

Tinanong ang biktima ng pinsang si Antonio kung kumain na subalit tumango lamang ito bago dumiretso sa kanilang quarter.

Habang inilalagay sa refrigerator ang mga pinamiling gulay ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kaya tinungo ang kuwarto ng pinsan para siyasatin kung saan bumulaga ang duguang biktima.

Nakalagay sa suicide note ng biktima na nasa cellphone na nai-send sa kanyang nobyang si Ivy ang katagang “huwag mo akong pagselosin at  pasensiya  ka na hindi ko kinaya.”

Narekober naman sa tabi ng biktima ang cal. .38 paltik na baril.

vuukle comment

CRUZ

HABANG

KINILALA

KUSANG

LEO SAMBILAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA KAMAKALAWA

ONGPIN STREET

RODELIO LINGCONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with