^

Metro

Donasyong dugo para sa dengue, leukemia patient tiniyak ng Taguig

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Titiyakin ng pamahala­ang lokal ng Taguig na pala­ging may nakaantabay na donor ng dugo ang lungsod upang matugunan ang mga magiging biktima ng sakit na dengue at leukemia sa paglulunsad ng libreng “blood typing program” sa libo-libo nilang residente.

Aabot sa tatlong daan libong residente ng Taguig ang nakatakdang sumailalim sa proyektong “city-wide blood typing” ni Mayor Lani Cayetano na tinaguriang “Type Kita …. A Blood Typing­ Program for 2011-2012.”

Layunin ng programang nasa ilalim ng pangangasiwa­ ng City Health Office na ma­ihanda ang bawat Tagui­gueno sa isang “medical at emer­gency situation” na may pangangailangan ng dugo. 

Importante umano na mabatid agad sa mga residente ng lungsod kung sino-sino ang maaaring maging donor at anong uri ng dugo sa oras ng may emergency na pangangailangan tulad ng mga biktima ng dengue at leukemia.

Sinabi naman ni Atty. Darwin Icay, tagapagsalita ni Mayor Cayetano, tuwing Sabado isasagawa ang blood typing activities kung saan humingi pa sila ng ayuda buhat sa Department of Health para sa dagdag na mga medical technologist at volunteers.

Mayroon umanong apat na uri ng dugo: ang type A, B, O at ang pinakamahirap hanapin sa lahat ang type AB.

Importante umano na ma­hanap kung sinu-sino ang may ganitong uri ng dugo upang mabilis ang paghanap ng donor sa panahon na may kailangang iligtas na buhay.

vuukle comment

A BLOOD TYPING

AABOT

CITY HEALTH OFFICE

DEPARTMENT OF HEALTH

MAYOR CAYETANO

MAYOR LANI CAYETANO

SHY

TAGUIG

TYPE KITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with