^

Metro

'Magulang' sa trabaho, inutas ng kasamahan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dahil umano sa madalas na manggulang sa trabaho dedo ang isang tsuper na binaril ng kanyang kasamahan kamaka­lawa ng gabi sa Navotas City.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Genaro Tecson, 51, company driver ng FV Marine Supply, na matatagpuan sa Brgy. Bangkulasi ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ange­lito dela Cruz, kasamahang driver ng biktima.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi makaraang komprontahin ng suspek ang biktima sa labas ng warehouse ng nasabing kompanya dahil umano sa madalas itong manggulang sa trabaho. Hindi naman pinansin ng biktima ang suspect na lalong ikinagalit ng huli kung kaya pinaputukan nito ng baril ang kasamahan saka mabilis na tumakas.Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

ANGE

BANGKULASI

BRGY

CRUZ

DAHIL

GENARO TECSON

MARINE SUPPLY

NAVOTAS CITY

PATULOY

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with