^

Metro

Staff ni Caloocan Vice-Mayor Erice utas sa ambush

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Utas ang isang staff ni Caloocan City Vice-Mayor Egay Erice at sugatan naman ang kasama nitong babae matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Dr. Jose Rodriguez Tala Hospital ang biktimang si Samuel Delana, 44, ng Phase 8-A, Package 14, Bagong Silang ng nabanggit na siyudad sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Samantala, ginagamot naman sa nabanggit na ospital si Nelda Dioquino, 54, na nagtamo ng sugat sa kaliwang braso.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang mga kagawad ng Caloocan City Police laban sa hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigas­yon ni P03 Julian H. Chavez, ng Station Investigation Division (SID), Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng umaga sa main road ng Water Tank, Phase 5, Bagong Silang ng nabanggit na siyudad.

Nabatid, na habang bu­mababa ng sasakyan ang biktima, biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito hanggang sa bumulagta. Nahagip din ng bala ang kasama nitong si Dioquino.

Bukod sa pagiging staff ang nasawi ni Vice-Mayor Erice ay isa rin itong purok leader. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigas­yon sa insidente.

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN CITY VICE-MAYOR EGAY ERICE

DR. JOSE RODRIGUEZ TALA HOSPITAL

JULIAN H

NELDA DIOQUINO

SAMUEL DELANA

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with