Lalaki sugatan sa ligaw na bala
- Ni Ludy Bermudo () - May 13, 2011 - 12:00am

Manila, Philippines - Sugatan ang isang 38-anyos na lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala sa Malate, Maynila, kamakalawa. Hindi pa tukoy ng awtoridad ang suspect na sinasabing nagpaulan ng bala at responsable sa pagkasugat ng biktimang si Norman Domenden ng Malate, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa may panulukan ng Leveriza St. at Quirino Avenue, Malate, Maynila.

Nabatid na habang naglalakad ang biktima nang biglang marinig ang sunud-sunod na putok ng baril galing sa kung saan hanggang sa nakita na lamang ng mga istambay sa lugar na duguan ito kaya isinugod sa pagamutan. Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

BALA LEVERIZA ST. MALATE MAYNILA NABATID NORMAN DOMENDEN PATULOY QUIRINO AVENUE SUGATAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with