^

Metro

Operasyon ng LRT 1, pinahaba

-

MANILA, Philippines - Pinalawig ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang biyahe ng Line-1 mula Baclaran hanggang Balintawak ng higit isang oras upang pagbigyan ang napakaraming kahilingan ng mga pasahero nito.

Inihayag ni Kristina Cassion, tagapagsalita ng LRTA, na alas-10:30 ng gabi na ngayon ang huling biyahe ng mga tren na mang­gagaling sa Baclaran habang alas-11 ng gabi naman ang last trip ng mga tren buhat naman sa Balintawak station sa Quezon City.             

Mananatili naman ang dating oras ng operasyon nito tuwing Sabado, Linggo at kung pista opisyal. 

Sa mga araw na ito, alas-9 ng gabi ang huling biyahe buhat sa Baclaran at alas-11 naman ang mga tren buhat sa Balintawak. Magugunita na ipinag-utos ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay LRTA Administrator Mel Robles ang pagpapahaba ng operasyon ng LRT upang maisakay ang mga empleyado na umaabot ng dis-oras ng gabi. 

Sinuspinde ito ng LRTA nitong pag-uumpisa ng taong 2010 makaraan na maraming train units ang bumigay at masira dahil sa kakulangan ng “maintenance”.             

Sinabi naman ni Cassion na nakahanda na ngayon na mag-adjust ang kanilang pinalakas na maintenance team para sa mas maha­ bang oras ng biyahe ng mga tren upang hindi bumigay ang mga ito.

Humingi naman ng dispensa si Cassion sa mga mananakay ng LRT Line 1 at Line 2 dahil sa ipinagbabawal sa publiko ang ka­ni­­lang mga palikuran na ibinase umano nila sa “international standards” ng mga train system. 

Maaari naman umanong gumamit ng palikuran ng mga empleyado ang mga mananakay kung talagang “emergency” na ang sitwasyon, mga “senior citizen”, may kapansanan at mga buntis.             

Inamin rin ni Cassion na wala ring palikuran para sa publiko ang kanilang mga itinatayo ngayon na mga istasyon sa LRT Line-1 North Extension mula Balintawak hanggang North Avenue.

vuukle comment

ADMINISTRATOR MEL ROBLES

BACLARAN

BALINTAWAK

CASSION

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

KRISTINA CASSION

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with