^

Metro

Babae, sabog ang mukha

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Butas ang mukha ng isang babae na agad na ikinamatay ma-karaang barilin nang malapitan ng kanyang kasintahan ma-tapos ang kanilang pag-tatalo sa lungsod Quezon ka-ma-kalawa.

Bagama’t may na-ku-hang identification card sa katawan ng biktima na may panga-lang Rosario Cortez, hindi naman umano nakatitiyak ang pulisya na ito na rin ang pag-kakakilanlan ng bik-tima dahil sabog ang mukha nito. Kaya isina-sa-larawan ang biktima na nasa edad na 20-25, may taas na 4’10’’, ba-ling-ki-nitan, morena, at naka-suot ng sleeveless na puting t-shirt.

Ayon kay C/Insp. Ben-jamin Elen-zano Jr., hepe ng Homicide Sec-tion ng Que-zon City Police District, inaalam pa nila ang pagkatao ng sala-rin na base sa mga nakasaksi ay posib-leng boyfriend ng bik-tima dahil nakitang nag-aaway ang da-lawa bago nang-yari ang krimen.

Sa pahayag ng sak-sing si Jose Grajo, care-taker ng palengke, na-ga-nap ang insidente sa Ta-ma-deo Market sa pa-nu-lukan ng Dia-mond at Fa-mela Sts., Brgy. Ta-talon ganap na alas-9:45 ng gabi.

Nagtalo ang biktima at suspect hanggang sa uma-lingawngaw ang isang putok at nakita niya ang bik-tima na nali-ligo sa kanyang sariling dugo.

Mabilis namang tu-ma-kas ang suspect dala ang baril na gina-mit.

vuukle comment

AYON

BAGAMA

BRGY

BUTAS

CITY POLICE DISTRICT

ELEN

HOMICIDE SEC

JOSE GRAJO

ROSARIO CORTEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with