^

Metro

Mister kinatay matapos ipagtanggol ang mga utol

-

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang 52-anyos na mis­ter ng lalaking kanyang si­nita dahil sa pambabastos sa mga utol ng una, kamaka­lawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Nakilala ang nasawi na si Generoso Motos-Ibarbia Jr., ng Phase 4, Block 5, Lot 2, Southville 3, NHA Project, Brgy. Poblacion ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, hinahan­ting naman ng pulisya ang suspek na si Ronaldo Ca­briles, alyas “Enad”, naka­tira sa Purok 2, PNR Site, Brgy. Cupang ng nabang­git pa ring siyudad.

Sa imbestigasyon, na­ganap ang insidente da­kong alas-9 ng gabi, ma­lapit sa bahay ng suspek sa na­banggit na lugar.

Bago maganap ang in­si­dente, nabatid na nag­sum­bong ang dalawang ka­patid na dalaga ng bik­tima dahil lagi umanong bina­bastos ng suspek.

Dahil dito, kinompronta ng biktima ang suspek na na­uwi sa mainitang pagta­talo hanggang sa kinuha ng suspek ang nakatago nitong kutsilyo at pinagsa­saksak ang biktima saka mabilis na tumakas. (Lor­deth Bonilla)

vuukle comment

BONILLA

BRGY

CUPANG

DAHIL

ENAD

GENEROSO MOTOS-IBARBIA JR.

MUNTINLUPA CITY

NAKILALA

RONALDO CA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with