Logistic officer ng ASG timbog
- Joy Cantos () - February 26, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga ope­ra­tiba ng batas ang isang Lo­gistic Officer ng mga ban­di­dong Abu Sayyaf  na sangkot sa Sipadan kidnapping sa Sabah, Malaysia noong Abril 2000.

Sa ginanap na press brief­ing sa Camp Crame kahapon, kinilala ni PNP chief Director Gen. Jesus Verzosa ang na­sa­koteng suspect na si Muji­bar Alih Amon, 26, gumagamit ng mga alyas na Bongbong Khatab, Pappong at Ap­pong.

Ayon kay Verzosa, si Amon ay nasakote ng pi­nag­sanib na elemento ng PNP-Intel­ligence Group at Special Action Force sa pinagta­taguan nito sa Brgy. Umbul Qura Village, Brgy. Buansa, Indanan, Sulu kamakailan.

Si Amon na may P600,000 reward ay nagsi­silbing Logis­tic Officer ni Abu Sayyaf leader Ra­dulan Sahiron, isa sa aktibong miyembro ng Urban­ Terrorist Group  ng Abu Sayyaf at may warrant of arrest na inisyu ni Judge Toribio Ilao ng Regional Trial Court (RTC) Branch 266 ng Pasig City sa anim na counts ng kidnapping at serious illegal detention with ransom.

Inihayag pa ni PNP-Intel­ligence Group (PNP-CIDG) Deputy Sr. Supt. Abelardo Villacorta na ang JI terrorist na si Umar Patek ang nagsanay kay Amon sa paglulunsad ng urban terrorism.

Kasabay nito, pormal na iniaabot ni Verzosa  at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Raul Casta­ñeda ang P600,000 reward sa ma­suwerteng tipster na naka­suot ng bonnet, sombrero at naka-dark sunglasses at di pinangalanan para na rin sa seguridad nito.

Ang nasakoteng ASG leader ang itinuturong tu­mang­gap ng P5-M  ransom para sa kalayaan ni Marilyn Chu noong Oktubre 2001.

Sangkot din ito sa pag­dukot sa Amerikanong si Jeffrey Schilling noong 2003, gayundin ang pag­papasabog noong Dis­yembre 3, 2003 sa airport road sa Jolo, Sulu na ku­mitil ng buhay ng dalawang sundalo.

Itinuturo rin itong nasa likod ng pagdukot sa anim na miyembro ng Jehova’s Wit­ness sa Patikul, Sulu noong Agosto 20, 2002 kung saan, dalawa sa mga biktima ay pinugutan.

ABELARDO VILLACORTA ABU SAYYAF ALIH AMON AMON BONGBONG KHATAB BRGY CAMP CRAME CHIEF P SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with