^

Metro

Ginang pumalag sa holdap, binaril

-

MANILA, Philippines - Isang ginang ang ma­lubhang nasugatan ma­karaang barilin ng isa sa dalawang holdaper nang tumanggi siyang ibigay ang kanyang bag sa mga huli matapos holdapin sa loob ng pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon.

Nakilala ang biktima na si Ma. Teresa Mones, 31, ng Atty. Mendoza St., San Juan City. Ayon sa ulat, naganap ang insi­dente sa may Aurora Blvd. Cubao pasado alas-7 ng gabi. Si­ nasa­bing sakay ang biktima ng pampa­sahe­rong jeep­ney kasama ang mga suspek na nagkun­waring mga pasahero.

Pagsapit sa madilim na bahagi ng nasabing kalsada ay saka nag­deklara ng holdap ang mga suspek at tinutu­kan ng patalim at baril ang ginang. Nang kukunin ng isa sa mga suspek ang bag ng biktima ay tu­manggi ito at nanlaban dahilan upang paputukan ito ng baril ng isa sa mga suspect. Dito na nakuha ng mga suspek ang bag ng biktima at dala ng kalituhan ng biktima dahil sa tina­mong sugat ay nahulog pa ito sa jeepney habang ang mga suspek ay tuluyan nang nagsi­pag­takas. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AURORA BLVD

AYON

CUBAO

DITO

MENDOZA ST.

RICKY TULIPAT

SAN JUAN CITY

SHY

TERESA MONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with