^

Metro

Lola kinatay ng anak na may sayad

-

Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang lola makaraang walang awang tadtarin ng saksak ng kanyang sariling anak na sinasabing may diperensya umano sa pag-iisip kamakalawa sa Quezon City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Capitol Medical Hospital ang biktimang si Lucita Lee, 64, ng #71 Mahogany Road, Pillar Village, Las Piñas City.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang sus­pek na 36-anyos na anak ng biktima na si Nar­cissus, walang trabaho at residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng Quezon City Police District-station 10,  naganap ang krimen dakong alas-11 ng gabi sa may #77 Hyacinth St., Roxas District sa na­sabing lungsod.  Nabatid na dumalaw ang mag-ina sa isa nilang kamag-anak sa nasabing lugar at kasalukuyang natutulog ang biktima sa isang kuwarto nang pasukin ng suspek.

Sa hindi pa mabatid na dahilan, bigla na lamang sunud-sunod na inundayan nito ng saksak ang sariling ina na dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng mga ka­anak ng biktima na kalalabas pa lamang umano sa National Center for Mental Health sa Manda­luyong City si Narcissus dahil sa nararanasan nitong nervous breakdown at pagkawala sa sariling katinuan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CAPITOL MEDICAL HOSPITAL

DANILO GARCIA

HYACINTH ST.

LAS PI

LUCITA LEE

MAHOGANY ROAD

MENTAL HEALTH

NATIONAL CENTER

PILLAR VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with